Underneath The Sheet

bakit ganun?…

Posted by: babe on: November 25, 2009

 

bakit ganun?…

 

amputchang tanong yan… ilang beses ko na bang tinanong sa sarili ko yan… pero hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang sagot… di ko pa rin mahanap at matagpuan kahit anong isip pa ang gawin ko…

 

bakit ganun?…

 

bakit kahit naibigay ko na sayo ang lahat, bakit parang may kulang pa rin… bakit ganun?..

 

bakit kahit ibinuhos ko na sa iyo lahat ng pagmamahal na meron sa puso ko, bakit hindi mo pa rin ako nagawang mahalin ng totoo?… baki ganun?…

 

bakit kahit buong pitong taon ng buhay ko ay naubos ko sa pagbibigay ng pagmamahal at atensyon sa iyo, bakit hindi mo ako magawang iprayoridad kahit isang beses lang… bakit ganun?…

 

bakit kahit alam ko naman na sinasaktan mo lang ako, bakit minahal pa rin kita ng todo todo… bakit ganun?…

 

at bakit kahit ako ang nakipag hiwalay eh ako pa rin ang naiwan kung saan tayo nagtapos… bakit di nako nakagalaw habang naumpisahan mo na uli ang buhay mo…  bakit ganun?…

 

AT BAKIT ANG SAKIT SAKIT PA RIN NG NARARAMDAMAN KO HANGGANG NGAYON?….

 

BAKIT GANUN?…

 

 

Tags: ,

babe…

Posted by: babe on: November 25, 2009

 

i know…. i can never own something that was never mine in the first place… 

 

i should have instilled to my mind a long time ago that you were just “borrowed”… which i need to return one day….

 

but you know what??

 

i’m glad…

 

i’m glad that “US” happened…

 

because despite of the pains, i was happy…

 

and i know i would never be happier with someone else other than you…

 

and if you are wondering why i don’t want us to remain friends….

 

I CAN’T !!!

 

i can’t have you beside me and not hug you…

 

i can’t stare at you and not kiss you…

 

i can’t text you and not say “iloveyou”….

 

i just can’t be near you and not have you….

 

oh, babe, my heart just longs for you….

 

:(

Tags: , ,

it’s over… again…

Posted by: babe on: November 25, 2009

 

it’s over… again…

 

and i’m dying of pain… again!…

 

Tags:

wala lang…

Posted by: babe on: November 14, 2009

 

paano ba magpaalam sa taong mahal mo pa pero parang di mo na kayang makasama…  paano mo iiwan yung taong alam mong lageng nakadepende sayo…  yung taong paulit ulit na sinasabing mahal ka nya…. pero di mo na nararamdaman…

ayaw ko syang saktan… ayaw kong lalo syang maligaw ng landas pag iniwan ko na sya…  ayaw kong ako ang maging dahilan ng paglabas ng kahinaan nya…

pero, napapagod na ako…

pagod na akong lage na lang andyan pag kailangan nya ako… pero pag ako ang nangangailangan, wala sya sa tabi ko…

 

pagod na ako na lageng unawain yung mga dahilan nya…. kung bakit di nya ipinaalam yung mga bagay na BILANG GF nya eh karapatan ko rin namang malaman… kung bakit hindi sya pumasok… kung saan sya nagpunta… kung ano ang ginawa nya at sino sino mga kasama nya…

 

pagod na akong pagtakpan sa sarili ko mismo yung mga pagkukulang nya….

 

pagod na akong mamulot ng dahilan kung bakit mahal ko sya sa kabila ng lahat…

 

kaya lang,  di ko pa rin sya kayang saktan…

 

minsan, unfair talaga ang buhay…

:(

Tags: ,

ala lang…

Posted by: babe on: October 22, 2009

 

“When I seem so tough, that is the time I silently bleed.”

Tags:

ang karibal…

Posted by: babe on: October 22, 2009

 

wala ako kahapon….

   kaya nag inom ka na naman….

   …  at up to sawa ha!!!

 

kunsabagay, kahit naman andito ako, iinom ka pa rin…

 

   … mas masakit pala talagang maging karibal ang alak noh…

 

        …  kase yun, lageng payag magpahipo sa iyo

        …  nagbibigay ligaya sa bawat dampi ng labi mo sa labi nya

        …  kaya kang samahan sa magdamagang pakikipag bonding mo sa mga  barkada mo

 

hayyy,   mahirap talagang karibal ang alak kase…

        …  hindi yan magpaparaya kahit pakiusapan ko pa…

 

kaya ngayon, ibinibigay na kita sa kanya…

 

bahala ka na sa kanya at bahala na sya sa iyo…

         …  pakiusapan mo na lang na hindi nya wasakin ang liver mo….

         …  lalo na ang buhay mo !!!

 

Nawa’y magmahalan kayo…

 

`

Tags:

isang paalala…

Posted by: babe on: October 16, 2009

 

HUWAG KANG MAKIKIAPID ….    SA TAONG TAKOT SA ASAWA !!!!!!

 

i tell you…. dusa yan… daig mo pa ang may alagang tuta na nakatago sa ilalim ng palda mo na hindi makalabas dahil takot makita ng amo nya… ang masaklap pa eh kung lalaking tuta yun… duwag!… bahag ang buntot!… at walang bayag!!!… nakaka frustrate mag alaga ng ganyan… Nakakawala ng respeto…

 

kaya kung magkakasala ka lang din, siguraduhin mong yung taong kasama mong gumawa ng kasalanan eh “worth sinning”…. dahil kung hindi, hindi worth it yung pagpapasunog mo ng kaluluwa mo sa impyerno… nagkakasala ka na, nagdurusa ka pa… 

PARUSA!!!

… kaya ako, malapit ng kumawala… promise!!!!… itaga nyo yan sa bato!

 

:(

Tags: ,

ang akala mo…

Posted by: babe on: October 16, 2009

 

gusto ko sa sana kung maghihiwalay tayo…..

 

   yung hindi tayo magkaaway….

   yung magkaibigan tayo…

   yung mahal pa kita pero kaya na kitang pakawalan….

   … gusto ko kase mahal pa kita pra di ko pagsisihan yung panahon at pagmamahal kong nasayang sa iyo…

   … gusto ko mahal pa kita para kahit maghiwalay tayo eh di ko magawang iumpog ang ulo ko dahil sa katangahan ko sa iyo…

  … gusto ko mahal pa kita para mapanatili ko ang pagiging kaibigan ko sa iyo…

 

yung una at pangalawa, mukhang pwepwede pa… pero yung pangatlo, parang lumalabo na…  sa bawat pagdaan ng araw,  lumalayo na ng tuluyan ang loob ko sa iyo… 

 

at alam mo ang mga dahilan… pero ang hindi mo alam,  makakaya pala kitang talikuran…

 

nasanay ka na kase sa pagmamahal ko na akala mo lageng andyan…

 

pero….

 

 

 

 

 

 

 

akala mo lang yun!!!

:(

Tags: ,

isang boteng beer…

Posted by: babe on: October 16, 2009

 

may mga tao na nagwiwish na sana isa silang fairy na may magic wand na sa isang kumpas lang eh pwedeng baguhin ang gusto nilang baguhin…

 

   …  o isang magician na pwedeng magpawala ng lahat ng gusto nilang mawala…

 

Ako, ang wish ko minsan…………..

 

      MAGING ISANG BOTENG BEER!!!!

 

Para tyak na gagawa ka ng paraan makasama lang ako… :)

 

ang lungkot… :)

~

Tags: ,

hay naku, ang ibang tao nga naman…

Posted by: babe on: October 16, 2009

 

bakit ba may mga taong kayang sumira ng araw mo?…

 

yung mga taong di yata napagaralan kung paano gumamit ng common sense…  yun bang hindi marunong mag isip…

 

naku hija, kung mababasa mo itong blog ko, ikinalulungkot kong sabhin sayo na….. 

“kung di mo gagamitin ang utak mo e mabubulok yang tulad ng basurang nagkalat ngayon sa bayan natin… kaya please lang, baka may panahon pa, magbago ka na… wag kang umasang may mabibili kang common sense kase WALA!!!… walang nabibiling CS… asa ka pa!!!… mag isip ka lang, kusang tutubo yan…”…

 

at pwede ba, kung feeling mo eh magaling, pwes isasampal ko sa mukha mong “HINDI KA MAGALING!!!”…

 

dahil kung ikaw ay matatawag na magaling, pwes,  isa na akong henyo…

 

`

Tags:

hello…

Posted by: babe on: October 16, 2009

 

andito na naman ako… actually, di ko pa nga alam kung ano ikwekwento ko eh… gusto ko lang mag update kaya lang di ko alam kung san magsisimula…

 

tungkol ba sa kanya?… ala, BORING!!!… alang nangyayari… very usual lang…   ala akong maikwekwento except SIGURADO AKONG NABAWASAN NA ANG LOVE KO  SA KANYA… Yehey!!!! totoo yan… nabawasan na talaga… kasalanan nya eh… ala syang ka effort effort para masustain yung pagmamahal ko sa kanya… akala nya yata eh forever na yun sa ganung level… kaya di nya inalagaan… di nya pinahalagahan…

 

Di naman ako nalulungkot… actually, masaya nga ako eh… masaya ako kase inaantay ko na lang yung sandaling sure na sure na ako na makakaya ko ng wala sya sa buhay ko… alam ko, konting konti na lang… ga-sinulid ba…

 

at saka natutuwa rin ako kase napag aralan ko rin sa wakas kung paano magsawa at maumay sa sakit… hehehe… tumalab din yung pag uuntog ko sa sarili ko sa pader… wahahahaha!!!!!…

 

Babe, mamimiss ko lang ang halik mo kase walang humahalik sa akin ng ganyan… pero i can let go of those kisses kung kasama nyang mawawala ang lahat ng sakit at lungkot na dala mo sa buhay ko…

 

Of course i know di yun magiging madali… MAMIMISS PA RIN KITA KASE… pero alam ko, konting panahon na lang… Makakasurvive na ako ng wala ka sa buhay ko…

 

and i’m sure….

 

IKAW NAMAN ANG IIYAK!!!

 

hehehe…

:)

Tags: ,

bakit tahimik dito?…

Posted by: babe on: September 18, 2009

 

kase po masaya kami…. hehehe…

 

di ako masyadong makapagsulat pag masaya eh… syensya na…

 

balik uli ako…. promise!!!

 

:)

Tags:

is it worth it?… are you worth it?…

Posted by: babe on: September 1, 2009

 

minsan di ko na rin maiwasang tanungin ang sarili ko kung tama pa ba yung mga naging desisyon ko… 

 

alam kong mali yung relasyon, in the first place… pero ang tinatanong ko ngayon is,  tama pa bang gawin ko ang lahat ng ito dahil lang sa pagmamahal ko sa iyo?…

   is it all worth it?… are you worth it?…

 

konting pagpapahalaga lang ang hinhingi kong kapalit… konting respeto sana sa akin kahit bilang tao na lang…  hindi naman masyadong mabigat yun kapalit ng lahat ng pagmamahal at respetong ibinibigay ko sa iyo, di ba? ….

 

alam ko naman na dapat di ako nag eexpect ng kapalit… kase ginagawa ko ito dahil gusto ko… dahil mahal kita…

 

pero nakakapagod din pala… nakakasawa… nakakaumay…

 

ilang chances na ba ang ibinigay ko sa iyo… sa tuwing hihingin mo yun, nangangako kang di na mauulit yung pananakit mo… na ibang MD na ang makaksama ko… na gagawin mo ang lahat para maibalik yung dating pagtingin ko sa iyo…

 

pero bakit ganun?… bakit wala pa rin akong makitang effort mula sa iyo?… kahit konti lang sana… kahit pakitang tao lang para di naman ako laging nasasaktan…

 

sabi mo, kapag nagli leave ka, di mo ako magawang itext kase wala kang chance na makahawak ng cellfon… inintindi ko yun kahit mukha akong tanga na maghapong nakatitig sa cellfon ko… naghihintay kahit isang text lang mula sayo… hindi ko naman inaasahan na mamimiss mo ako tulad ng pagka miss ko sa iyo… pero sana kahit respeto lang na ipaalam sa akin na hindi ka papasok… sana magawa mo… tulad ng ginagawa mo dati

 

tapos sinubukan kong ako naman ang hindi pumasok… gusto ko lang malaman kung itetext mo ako ngayong nasa office ka at nasa kamay mo yung cellfon mo… gusto ko lang malaman kung maiisp mo man lang na kamustahin ako kung bakit di ako nakapasok… kung may sakit ba ako or may nangyari sa akin…

 

gusto ko lang namang maramdaman kahit sa ganun kababaw na paraan na may pagpapahalaga ka pang nararamdaman para sa akin…

 

pero binigo mo ako… yung isang simpleng text na inaasam ko… di mo pa rin nagawa… di mo pa rin naibigay…

 

ngayon, may dahilan ka pa rin kung bakit di mo yun nagawa… dahilan na hindi ko kayang tanggapin kase DATI NAGAGAWA MO NAMAN!!! …  

 

bakit hindi na ngayon?… ano ang kaibahan ng noon at ngayon?… yan ang di kayang i-justify ng reason mo…

 

hindi ako nagpilit makipagbalikan sa iyo…. ikaw ang humingi ng last chance… na kahit nakailang last chance ka na eh ibinigay ko pa rin sa iyo… ikaw ang may gustong bumalik… hindi ako…

 

pero bakit hindi na kita maramdaman…

 

nagkakasala tayo… nananakit ng ibang taong nagmamahal sa atin…

pero….

 

     is it worth it? … is it still worth sinning?…

 

masaya pa ba tayo?… masaya ka pa ba?…

 

buhat ng maghiwalay tayo, araw araw, nagaantay pa rin ako sa sandaling makakasama kita uli…  nag antay ako ng pagkakataon na makasama kang muli… at nung bumalik ka na, ikinatuwa ko yun…

   pero pakiramdam ko, hindi ka na akin… hindi na kita maramdaman…

 

How can i hold on when there’s nothing to hold on?… when there’s no one worth holding on?….

 

Alam kong kung mahal kita talaga, dapat magtiis ako…. pero mahirap magtagal sa isang relasyon na ako lang ang nagmamahal at nagbibigay ng respeto…

 

ilang beses na akong nagsakripisyo para maayos natin ito…  para hindi ka mahirapan pag nawala ang relasyon na hindi mo kayang alagaan… 

 

pero gusto ko ng bumitaw… kase nakakapagod na…kase sobrang masakit na… 

 

    dahil ako na lang ang humahawak  sa lubid na nag uugnay sa atin…

 

pinilit mo akong muling humawak sa lubid na yun… pero ikaw pala ang uunang bibitaw… at tulad ng dati, iniwanan mo na naman ako…

 

   duguan…

Tags:

anubeh?!…

Posted by: babe on: August 26, 2009

 

Nagtataka ako…

 

Bakit di ko na masabi sa kanya ngayon ang salitang “iloveyou“?…

 

Bakit di na ako makasagot ng “iloveyou2” twing sasabihin nya yun?…

 

Noong una, akala ko nag iinarte lang ako… Akala ko gusto ko lang lambingin nya ako para sabihin ko yun…

 

Pero bakit ganun?

 

Bakit ayaw talagang lumabas sa bibig ko… Ni hindi ako maka text back sa kanya twing magtetext sya ng “labyu, babe“……

 

Natatakot lang ba ako na baka abusuhin na naman nya ako?…

Naging guarded lang ba ako sa feelings ko at sa sarili ko dahil takot na akong saktan nya uli?…

     o dahil hindi ako naniniwalang mahal nga nya ako?…

 

O baka naman di ko na pala sya mahal…

     baka akala ko lang tulad pa din ng dati… 

     baka akala ko lang eh hindi nawala yung nararamdaman ko sa kanya

        …  kahit ano pa ang ginawa nya at kahit gaano pa nya ako nasaktan…

     baka akala ko lang na sya pa rin ang one great love ko…

 

     baka hindi na pala… baka mali na pala ako… baka nakalaya na pala ako ng hindi ko alam…

 

Naguguluhan na ako…

:(

Tags:

“Ma’am, may I help you?”…

Posted by: babe on: August 24, 2009

 

since “kami” na naman, i’ll stop ranting about him and my stupid love for awhile…  sa normal na buhay muna tayo… para maiba naman… hehe…

 

nasa SM ako last week… sobra, as in super duper daming tao…  i was on children’s section looking around for nice toys on sale para makapg ipon ipon na ng pamasko sa mga inaanak at pamangkins… yes,  maaga po akong mamili para sa aking mga mahal na nasa Christmas list para medyo mura pa ang presyo… alam nyo naman sa bansang Pilipinas, ginto ang lahat ng bilihin pag sasapit ang Pasko… at saka ayokong ma harass pag December sa pagmamadaling makumpleto ang aking Christmas list… pag ako nagregalo, gusto ko yung pinag isipan… hehe

 

Going back sa SM,  habang busy ako sa pagtingin tingin eh may isang sales clerk na dumikit, as in sobrang lapit, sa akin sabay tanong ng…

                            ”Ma’am, may I help you?”…

 

OMG, muntik na akong himatayin sa lalaking ito…  Parang nawala ako sa kasalukuyang mundo at napunta ako sa ibang lugar na hindi ko malaman kung saan…

 

Nope, he’s not super gwapo… he’s not even cute or macho…  Pero ang paglapit nyang yun eh nagpaikot ng mundo ko…

 

Bakit kanyo?…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kase, sobrang baho ng hininga nya!!!! …. AS IN !!!

 

Di ko talaga kinaya…  sa sobrang hilo ko eh kailangan kong humugot ng isang malalim na hininga para bumalik ang kamalayan ko..

 

Pero syempre, di ko naman sya pwedeng ratratan at ayoko namang makapahiya at makasakit ng loob ng kapwa ko…. kaya dumistansya na lang ako sa kanya sabay sabing,

                          “Thank you, kuya…. tumitingin tingin lang ako”…

 

No wonder, yun lang area na tinatayuan nya ang maluwag sa SM… napaisip tuloy ako kung marami ng nabiktima ang lalaking ito…

 

Pero ang mamang ito eh di pa nakahalata… sinundan pa rin ako eh naglakad na nga ako ng malayo sa kanya …  ala pa rin syang tigil sa pagsunod eh sinabi ko ngang tumitingin tingin lang ako… at di pa nakuntento sa pagsunod… nagsalita na naman at nagpalabas na naman ng pamatay na amoy…

                         “Ma’am, ano po hanap nyo? Baka may maitulong ako”…

 

Ay, oo, kuya… napakalaki ng maitutulong mo…  pabayaan mo akong huminga dahil baka tumimbuwang na lang ako dito sa kakapigil ng hininga ko… namfootah, ang baho ng hininga mo!!!! …

 

Pero syempre, bilang isang taong may pinag aralan at may puso pa rin naman, di ko kayang sabihin sa kanya yun… nagtratrabaho lang naman sya… baka sa sobrang bilis ng breaktime nya eh nawalan na sya ng oras sa pagtu tutbrush at nalimutan nyang binagoongan pala ang naiulam nya with matching manggang sinawsaw sa sukang may bagoong pa rin…  kaya ang tanging nasabi ko sa kanya eh…

 

                         “Juicy fruit, kuya, you like?”

 

(at least, kung nakuha nya ang mensaheng gusto kong iparating, marami akong natulungang customers sa SM nung araw na yun upang makapamili habang maginhawang humihinga)

:)

Tags:

unawain nyo na lang ako…

Posted by: babe on: August 22, 2009

 

alam ko maraming magagalit…

 

   … maraming magrereact….

 

kase sa dinami dami ng posts ko na nagsasabing…

 

   …   “ihateyou”

   …   “ayoko na”

   …   “gusto ko ng kumawala”

   …   “ang tanga tanga ko”….

 

eh nagpakatanga na naman ako…

 

opo  …   pinatawad ko na naman sya…

 

   …   KAMI NA NAMAN ULI…

 

pero kahit nagpapakatanga na naman. ako….

 

   …   gusto ko na uling gumising sa umaga …

 

   …   para sa kanya …

 

pasensya na…..  nagmamahal lang…

:)

Tags: ,

ayoko na…

Posted by: babe on: August 17, 2009

 

gusto ko ng kumawala….

 

gusto ko ng maging masaya na hindi ka bahagi ng kasiyahan ko…

 

gusto ko ng matapos lahat ng sakit… at kirot… na ibinibigay mo…

   … twing binabalewala mo ako…

   … twing ipinapakita mong wala akong halaga sayo…

   … twing pinaparamdam mong mas mahalaga ang ibang tao kesa sa akin…

 

gusto ko ng matapos lahat ng nararamdaman ko para sayo…

 

bakit ba ako pinahihirapan ng ganito?…

 

wala naman akong kasalanan ah…..

                                    nagmahal lang ako!!!

 

:(

Tags: ,

sana…

Posted by: babe on: August 17, 2009

 

sana nararamdaman mo din minsan yun nararamdaman ko para sayo, noh…

 

   …   kung gaano kita kamahal…

   …   kung paano kita nami miss…

   …   kung ano pakiramdam na umiikot ang mundo ko sayo…

 

masasaktan ka rin kaya pag minahal mo ako ng ganyan…

 

iiyak ka rin kaya twing maiisip mo ako at hihilingin mo na sana nandyan ako sa tabi mo….

 

itataya mo din kaya ang lahat… ang lahat lahat…  makasma mo lang ako kahit isang minuto lang…

 

sana kahit isang segundo lang, maramdaman mo yan….

 

   …  para di mo na ako magawang saktan…

 

:(

Tags: ,

and i love you so…

Posted by: babe on: August 17, 2009

 

i have loved you as much as i could

   … and more than anyone could ever love you!

 

your parents may have loved you for thirtyfive years and nine months

   … while i have only known you for thirteen years and a month….

 

but that doesn’t mean that they love you more…

   … and iloveyou less…

~

Tags: ,

babalik pa ba ako?…

Posted by: babe on: August 17, 2009

 

pagod na akong malungkot….

 

pero di ko rin kayang maging masaya…

 

dahil kapalit ng kasiyahan ko,

 

        alam kong maraming tao ang masasaktan…

 

anong gagawin ko?…

 

:(

Tags: ,

si spongebob…

Posted by: babe on: August 14, 2009

 

madami ang may gusto kay spongebob

spongebob

kase….

1.   kahit mahina at stupid si Patrick, mahal pa rin nya…

 

2.  kahit galit sa kanya at ayaw sa kanya ni Squidward, mahalaga pa rin ito sa kanya…

 

3.  at kahit alam nyang pera lang ang mahal ni Mr. Crab, he still respect him…

 

parang ako pala si Spongebob kase…

 

…  sa kabila ng kahinaan mo, minahal at mahal pa rin kita…

 

…  na kahit tinatanggihan mo ako, nagagawa pa rin kitang pahalagahan…

 

…  at kahit anuman at sinuman ang gustuhin mo,, kaya pa rin kitang igalang…

 

so i therefore conclude na si Spongebob ay isa ring dakilang tanga…. hehehe…

:)

Tags: ,

ibang MD…

Posted by: babe on: August 14, 2009

 

sabi mo nung nag sorry ka,

 

   “ibang MD na makakasama mo mula ngayon, babe’…

 

tama ka… ibang MD na nga..

   ibang iba…

 

   hindi ko na kilala…

 

    … at ayoko sa kanya ….

:(

Tags: ,

M.U….

Posted by: babe on: August 14, 2009

 

 

ano ba ang M.U. ?

 

   … hindi ka pwedeng mag expect kase wala kayong commitment…

 

   … pwede kang magselos, pwede kang magtampo…

        … PERO di ka pwedeng magalit…

 

   … pwede mo syang lambingin, pwede mong yakapin…

        … PERO di ka pwedeng mag expect na gagawin nya rin…

 

at pag nalaman mong may iba na syang pinahahalagahan… 

   … pwede kang masaktan, pwede kang umiyak…

        … PERO di mo sya pwedeng sumbatan…

 

   KASE WALA KA NG KARAPATAN !!!

 

dahil ang M.U. ay isang

   Magulong Usapan !!!

 

ganyan kami ngayon

:(

Tags: , ,

bangs…

Posted by: babe on: August 14, 2009

 

first time kong nagpa bangs…

 

tatlong tao ang tinanong ko:

 

ME Pangit ba yung bangs ko?

 

eto sagot nila….

 

NILO :  Kung talagang maganda ka, maganda ka…

 

JM:  Kahit kalahati lang ng noo mo yang bangs mo, cute ka pa rin…

 

MD:  Hahaba din yan…

 

di ko na kayo tatanungin kung mahal nya ako…

 

                    alam ko naman ang sagot eh…

:(

Tags: ,

first step … success!!!

Posted by: babe on: August 12, 2009

 

pinilit ko syang iwasan kanina… di ko sinagot ang e-mail nya… sabi ko sira kahit hindi… pero nung magtext na sya, di ko rin natiis… nag text back rin ako…

 

sabi ko, di ako sasabay sa kanyang mag toothbrush kase may gagawin pa ako… pero niloko ko lang uli sarili ko… kase nag toothbrush pa rin ako kasabay ng schedule ng pagtu toothbrush nya…

 

syempre, nagkita kami…

 

pero…

 

pero…

 

pero…

 

                 Congratulate me!!!!….

 

kase…..

 

kase…

 

kase…

 

                 hindi ako nagpa hershey!!!!

 

nagawa ko!!!… natiis ko!!!!

   …  kahit gustung gusto ko!!!

 

YAHOO!!!! … SUCCESS!!!

                  achievement ko na yan ha…..

 

ano ang hershey????

 

…  SECRET!!!!…

~

Tags:

 

January 2012
M T W T F S S
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

 

January 2012
M T W T F S S
« Nov    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.