Posted by: babe on: October 16, 2009
gusto ko sa sana kung maghihiwalay tayo…..
yung hindi tayo magkaaway….
yung magkaibigan tayo…
yung mahal pa kita pero kaya na kitang pakawalan….
… gusto ko kase mahal pa kita pra di ko pagsisihan yung panahon at pagmamahal kong nasayang sa iyo…
… gusto ko mahal pa kita para kahit maghiwalay tayo eh di ko magawang iumpog ang ulo ko dahil sa katangahan ko sa iyo…
… gusto ko mahal pa kita para mapanatili ko ang pagiging kaibigan ko sa iyo…
yung una at pangalawa, mukhang pwepwede pa… pero yung pangatlo, parang lumalabo na… sa bawat pagdaan ng araw, lumalayo na ng tuluyan ang loob ko sa iyo…
at alam mo ang mga dahilan… pero ang hindi mo alam, makakaya pala kitang talikuran…
nasanay ka na kase sa pagmamahal ko na akala mo lageng andyan…
pero….
akala mo lang yun!!!