Posted by: babe on: November 25, 2009
bakit ganun?…
amputchang tanong yan… ilang beses ko na bang tinanong sa sarili ko yan… pero hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang sagot… di ko pa rin mahanap at matagpuan kahit anong isip pa ang gawin ko…
bakit ganun?…
bakit kahit naibigay ko na sayo ang lahat, bakit parang may kulang pa rin… bakit ganun?..
bakit kahit ibinuhos ko na sa iyo lahat ng pagmamahal na meron sa puso ko, bakit hindi mo pa rin ako nagawang mahalin ng totoo?… baki ganun?…
bakit kahit buong pitong taon ng buhay ko ay naubos ko sa pagbibigay ng pagmamahal at atensyon sa iyo, bakit hindi mo ako magawang iprayoridad kahit isang beses lang… bakit ganun?…
bakit kahit alam ko naman na sinasaktan mo lang ako, bakit minahal pa rin kita ng todo todo… bakit ganun?…
at bakit kahit ako ang nakipag hiwalay eh ako pa rin ang naiwan kung saan tayo nagtapos… bakit di nako nakagalaw habang naumpisahan mo na uli ang buhay mo… bakit ganun?…
AT BAKIT ANG SAKIT SAKIT PA RIN NG NARARAMDAMAN KO HANGGANG NGAYON?….
BAKIT GANUN?…